ang gusto kong love
yung magaling ang mga daliri sa backrub
yung hindi nahihiyang makipaghalikan sa taxicab
yung nanggigigil sa aking flabs
yun, yun ang masarap na love.
ang gusto kong love
yung tipong pipigilan akong mag-yosi
yung hindi ako papayagang magsindi
at matututo akong ma-inlab
sa lasa ng lollipop
kasi nga, bawal sa akin ang yosi
yung tipong kahit bad trip na bad trip na ako
at nanginginig na ako sa galit
at tanging nicotine fix na lang ang magpapakalma sa kin
ay hindi ko pa rin magawa
kasi nga, hindi ako pwedeng magyosi
yung tipong sa sobrang sanay na akong hindi nagyoyosi
pag nakakaamoy ako ng usok
eh parang magkakasakit ako
at mapapaisip akong aba, ang galeng!
napatigil nya ako
kahit hindi "in my own time"
yung tipong ganon kalakas ang impluwensya sa akin
yun. yun ang tipo kong love
medyo controlling.
ang gusto kong love
yung mapagpuna sa suot ko
yung tipong sasabihan ka ng harapan
"love, di ako sure sa color ng skirt mo.."
o kaya
"di ko type yang blouse mo, palitan mo."
kahit ilang beses kong ipaliwanag na keri ko naman
at ang dami ng nagsabi sa akin na maganda naman
at sya lang ang hindi makarelate
kasi "safe" ang choices nya sa damit
yung tipong mapipilitan akong magpalit ng wardrobe
at bumili ng mga brands na gusto nya
at magkaron ng "his and hers" na articles of clothing
his and hers nike turf shoes
his and hers levi’s jeans
his and hers watches
his and hers shirts
his and hers tattered pants
dahil ang cute naming tingnan pag magkasama kami
ang gusto kong love
yung hindi pwedeng hindi kami magkita sa loob ng isang araw
yung tipong para akong mababaliw pag hindi ko nasilayan
ang kanyang ngiti
o marinig yung kanyang mga pang-aasar
yung tipong wala kaming planong magkita
pero pagsapit ng alas onse ng gabi
eh hindi ko pala kayang hindi sya makasama kahit saglit lang
kaya magtataxi ako papunta sa kanila
at tumambay sa mcdo ng isang oras
at umuwi ulit ng nakataxi syempre
pero okay lang, at least nagkita kami
yung tipong halos magkapitbahay lang naman kami
at sa ortigas ako nagtatrabaho
pero susunduin nya ako sa opisina
para ihatid ulit sa bahay.
ganun. ganun ang tipo kong love.
medyo magastos.
ang gusto kong love
yung tipong dadamayan ako
sa pagpuna ko ng mga maling grammar ng ibang tao
yung patagong tumititig sa mga dumadaan
pagkatapos ay titingin sa kin
sabay tatawa kasi nababaduyan din sya sa porma
nung kawawang nilalang na kadadaan lang
yung tipong mayabang
iisa-isahin nya sa yo ang accomplishments nya
at kung anong kaya nyang gawin
at ipagmamalaki nya sa ‘king
sa UP sya nag-aral
at ako’y isang hamak na atenista lang
yung mararamdaman kong aping-api na ako
dahil "he doesn’t think highly of ateneans"
yung tipong ganun.
ganun ang tipo kong love.
elitista.
ang gusto kong love
yung kelangang ungkatin lahat ng nangyari sa buhay ko
at mag-uubos kami ng ilang araw
para pag-usapan kung sino ang crush ko nung grade 2 ako
at kung anong ikalimang dahilan
kung bakit kami nagbreak nung pangatlong boyfriend ko
yung palaging nagtatanong ng
"cute ba ako?"
at magseselos kung makipag-eye contact ako
sa mga cute na nakakasalubong ko sa mall
yung biglang tatahimik kapag
may nabanggit akong pangalang
medyo bago sa pandinig nya
o di kaya sobrang gasgas na
sa kakakwento ko sa kanya paulit-ulit
yung hindi bibitaw sa kamay ko
kapag naglalakad kami sa mall
at baka may sumulyap sa aking ibang cute guy
yung tipong tatawagan ako
ng walong beses sa loob ng isang araw
habang katext ko sya at ka-chat ko pa sa YM
yung tipong kami ang magiging dahilan kung bakit
nanaisin ng smart tanggalin ang kanilang
unlimited texting service
yung nagsisleeptext ng garbled messages
na kahit groggyng-groggy na tinetext pa rin ako
yung nag-aalala kapag di ako nakapagreply kaagad
kapag ako’y nasa isang shopping expedition
kahit alam naman niyang hindi ko na kayang
humawak pa ng cellphone sa dami ng bitbit ko
sabay pasaload pa ng limang piso
"di ka kasi nagtetext back kaya kala ko wala ka ng load."
yung may mga ganun pa.
yun. yun ang tipo kong love.
medyo insecure. at pasimpleng demanding.
ang gusto kong love
yung tatawagin akong tabachingching, bachuychuy, LL (lusoglusog)
yung minsan alam mong mini-mean na nya
at medyo nasasaktan na ako
yung tawa ng tawa pag di na kasya yung pantalon ko
ang gusto kong love
yung sobra kung manggigil
yung mapupuno ka ng kurot at kagat
yung maluluha ka na lang kasi "antakit"
at lalabas ka ng may pasa ng apat na araw
ang gusto kong love
yung tipong mananadya yung ipapakita sa yong
may tumatawag sa kanyang ibang babae
at kunwari eh tuwang-tuwa sya dahil kausap nya
at pagbaba eh sabay sasabihin sa yong
"gusto ko kasing malaman mo na hindi lang ikaw
ang nagkakagusto sa akin.."
yung mararamdaman mo yung sakit physically at emotionally
pero gusto nya lang palang tingnan ang reaction ng mukha ko
ganun. ganun ang gusto kong love.
masakit magbiro.
ang tipo kong love
yung araw-araw akong hinaharana
yung mahal ako ng kanyang pamilya
pati aso nya
yung halos dun na ako tumira sa kanila
yung kinikilig pa rin hanggang ngayon
yung memorize ang location ng mga nunal ko sa katawan
yung sa akin lang siya in love
yung minsan hassle
yung may mga imperfections
yung sobrang connected kami na tipong
pag may sakit ako, sisipunin sya
pag makakatulog na ako, mapapapikit sya
pag may iniisip ako, nasabi na niya
pag magtetext pa lang ako, tumatawag na sya
yung mala-esp ang drama…
ganun ang tipo kong love…
yung siya at ako ay
iisa.
*********************************************************************************************************************
inspired by a post by siege.
6 Comments
ganda!
i am so happy for you cos he brings out the best in you and he makes you feel loved & complete!
holtz!
take care of our friend, ha?! you’re aware naman how much we love her..so be good always! we appreciate the love that you are giving her!
hope to see you both soon!
wow… iba na talaga pag-inlove.
ang sweet naman…tama na ang away ha…the best loveteam ever…daig si sandara and hero…
dat was sweet…..except for d part na “cute ba ako?” (la nman akong sinasabing ganun ah..) ska bkt nga pala a few days ago dumami n ang hate mails ko from pipol na “blue” blooded daw…(o cge na nga death threats!..sheeshh!kelangan b dpat politicaly corek??)
“yung hindi nahihiyang makipaghalikan sa taxicab” <—-mkpghalikan sa taxicab?ampanget nman ng dating nyan..yung bisikleta ko nga e,di ko hinahalikan e.bisikleta ko na mismo yun ah!ganyan pa kaya….tsk tsk
ito nman c redgh..”sandara n hero”???nasira tuloy ung kodak moment.eninweys,slamat snyo nla abba s pagsama sa sm carpark tour for d nth tym around =) onga pala…balik uli tyong 4..pumutok n nman ung ps2 e..syet
holtz! shut up and enjoy it! anak ng patatas naman o! andaming sinasabi… nag, nag, nag!!! =)
abba and redgh.. salamat sa advices.. =) alam nyo na yun.
karen, nice of you to drop by.. hope to see you soon!
Post a Comment