before i forget..
*****
ITO NA BA ANG BUKAS?
written and sung by ciggy
Halika ka na sa tadhana
ang hapon ay unti-unting nawawala
at sa pagsapit ng gabi
wala akong ikukubli
kahit di kilala ang dilim
wag lang nating pansinin
kay bilis ng oras
ito na ba ang bukas
parang kandila ang kahapon
ang liwanag ay unti-unting nababaon
at hindi pagsasawaan
ang alaala ng nakaraan
Post a Comment