so ano nga ba talaga ang nangyari?
parang sinapian siya ni Mephistopheles, cloven hooves and all. paano ba naman kasi, hindi lang minsan nangyari ‘to. pang-apat na eh. kaya ayun, nagalit. lagot.
pa-joke-joke lang sana ‘nung nagtanong sya kagabi. akala naman niya, "nung huling beses na napag-usapan natin pa" ang isasagot. but no! nagulantang na lang sya na iba ang isinagot.
nanlamig ang loka. napilitan tuloy gamitin ang kanyang favorite cuss word. puñeta. mentally lang naman. feeling nya tuloy naglolokohan na sila. pero sige. for the benefit of the doubt, pasukin natin ang isipan ng foe. ‘ka nga nila, know thy enemy. enemy sya. minsan.
pero bago ang lahat, silipin muna natin kung ano ang nakasulat sa diary ng lukaret. konti lang, intro pa lang ang nacocompose nya: "there’s a new person in my life who is the bane of my existence. i don’t even know her name. and i have never even officially met her. but her ghost appears like toadstools at unexpected moments for the past months, and she’s driving me crazy." parang mali. pero ayoko nang pag-isipan kung anong mali dun.
sabi ko nga, pasukin ang isipan ng kalaban. ganito kasi yun. meron syang ex. apat na taon. o mahigit. ata. hindi ko rin talaga alam eh. pero ganun. nagbreak sila. tapos hindi pa tapos ang lahat. tatapusin daw. tinapos. sa kabilang isla.
teka. dumudugo na ang ilong ko. ang gulo. kasi puro "sya". sige na nga. i will name names para masaya.
again, rewind. si christian, may ex. itago na lang natin sya sa pangalang x. apat na taon o mahigit sila. tapos ayun. nagbreak sila. tapos later on naging si christian at si marianne.
fast forward ng konti. umalis si christian papuntang kabilang isla para makipag-usap kay x. para daw tapusin ang lahat. pero sinecret-secret nya kay marianne ito. ang sabi nya lang, "batch reunion" daw. at hindi daw sya sigurado kung nandun si x. pero nungka. nag-usap na silang magkikita dun.
so… pasukin natin ang isipan. *shrink mode* kung ako si christian, magsasabi ba ako na magkikita kami ni x? malamang oo. pero that’s a moot point. dahil si christian sya, hindi nya sinabi. kasi ayaw nyang masaktan si marianne. eh nagkaalaman. iyakan blues, paliwanagan. tapos ok na sila ulit.
ayos na sana eh. pero nadagdagan pa.
makwento kasi itong si christian. one time, nagkakwentuhan, nabanggit ni christian na "may posibilidad na mahulog ako ulit kay x, pare. pero ayoko na." eh nagka-one time ulit. nalaman ni marianne yung conversation na yun. sakit tsong di ba? muling pasukin ang isipan. siguro nga, since four years yun, understandable naman na magkaron ng mga ganung incidents. shut up na lang si marianne.
so cut to the chase. nagkaayos, ok na ulit. nag-promise sa isa’t isa na they won’t keep anything from each other ulit. tutal, everything is out in the open already. wala nang lihiman.
and then last night. yun nga. casually natanong ni marianne yung ethically questionable question kay christian: "kelan kayo huling nag-usap ni x?" balik ka ulit dun sa taas, scroll up. o di ba? nagimbal sya sa sagot ni christian "kanina."
nagkagulo tuloy. freakin’ fabulous. lovely, is it not?
sumakit ang ulo ko. floating through the drama lang ako. nanonood. medyo magulo itong entry ko. but i tried to tell it like it is under a cloak of anonymity. magulo din kasi sila, kaya ganito.
kakapagod. sana i can find something to invigorate myself. siguro yung family dinner mamaya pwede na. sitting here right now, i feel a bit dull and lackluster. gloomy pati ang weather. hayy. nakakahawa yung away nila kaya tuloy i feel so blah. that’s it, i’ve got the blahs. what is your cure for shaking off the blahs? heehee. addict.
ampanget na blog entry. i bite my tongue and knock on wood as i type these words. sana bukas iba naman.
pero malamang-lamang oo. bukas iba na. i figured that since they only partially quarreled, they only have to partially make up. tapos… tuloy ang saya.
*kuha ng panyo, punas ng tumutulong dugo*
9 Comments
you are planning to write for tagalog novel publishers?
do i still love you?
ahemmm…friend kita so feeling ko di ito bunga lang ng malikot mong imahinasyon…wag mag deny…parang…ay….ayoko munang magsalita dahil mahal kita…
warning lang sa lahat…sinabi ko na din ito before pa…
ayoko ng niloloko at umiiyak si lei at si abba…aba kahit patpatin ako promise…sasapak ako kahit one time lang…
labyu gehl…
@ tristan: you better do, sweets. =) nagsubok lang naman akong magsulat in tagalog. baka sakaling maka-chamba. parang ang panget. hahaha.
@ redgh: masyado ka naman atang violent, friend! hahaha. kwento lang yan. tsaka… kilala mo naman si xtian di ba? aka mountain boy? si marianne nga lang ang naiba. teka.. marianne nga ba yun? ano na nga ba’ng palalan nung babaitang yun? =) relax. walang nagpapaiyak sa akin. maliban sa akin din. wooooza.
“it’s me who is my enemy. me who beats me up. me who makes the monsters. me who strips my confidence..”
bow.
so…eto ba ang tagalog version ng forever?
haha. hindi ko pa naisusulat ang forever. =)
forever from basky’s blog…i’ve read his blog. though walang pangalan ang character yan din yang sinulat mo.
ahhhh. blog stalker!! hahahaha. syempre ito yun. nabasa mo na rin ba yung mirror images ng “harakiri”?
nope…binasa ko lang yung forever…kinda naintriga kase ako sa mga blog nyo so binasa ko….
harakiri: http://verbalswordplay.blogspot.com
Post a Comment